WATCH: Babaeng tumawid sa hindi tamang tawiran, sugatan matapos masagasaan

Kuha ni Mark Makalalad

Pauwi na sana nang kanyang bahay galing trabaho ang babaeng ito nang biglang mabundol at makaladkad ng isang sasakyan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Sta Cruz Maynila.

Sa kuha ng CCTV ng barangay 334, zone 33, makikita na wala sa pedestrian o sa tamang tawiran ang biktima na nakilalang si Dianne Viesca, 27.

Kita rin na Sinubukan pang umiwas nang biktima pero wala na itong nagawa sa bilis ng sasakyan.

Sa lakas ng pagkakabangga basag ang windshield ng sasakyan at nag iwan nang bubog sa daanan.

Ayon kay Elizabeth Barnachea, katatapos lamang ng duty ni sa isang gasoline station kung saan sya nagsisilbi bilang pump attendant nang manyari ang insidente, alas-dos ng madaling araw.

Paliwanag naman ng driver na si Jeremy Ayat, hindi nya napansin ang patawid na babae kung kaya’t nagtuloy tuloy lamang ito sa pagbaybay sw kanyang daanan.

Aminado rin si Ayat na nakainom sya ng alak habang nagmamaneho.

Paalala naman ng otoridad para sa mga driver at mga tumatawid tuwing madaling araw.

Sa lahat ng motorista lalo na sa mga alnganing oras, magmi-minor po tayo gawa ng madaling araw ang mga tao, tuloy tuloy ang takbo gayundin sa mga taong tumatawid, tignan natin kung may kasalubong tayong sasakyan

Agad na dinala sa Metropolitan Hospital ang biktima at nilapatan ng paunang lunas.

Nasa kustodiya na ngayon ng Manila Traffic Bureau ang driver.

Read more...