Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, bagaman hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang tropical storm Paolo ay lalakas pa ito at magiging isang typhoon sa susunod na 24 na oras.
Sa ngayon wala pa namang direktang epekto ang bagyong Paolo sa bansa.
Samantala, maliban sa nasabing bagyo, isang Low Pressure Area (LPA) pa ang binabantayan ng PAGASA na nasa 165 kilometers West ng Coron Palawan.
Dahil sa nasabing LPA na nakapaloob sa ITCZ, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Mindanao, Bicol Region at ang lalawigan ng Palawan.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.