Sa kanilang magkakahiwalay na abiso, magtataas ng 20 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina ng Total, Jetti, Petron, Unioil, Eastern, Caltex, SeaOil, PTT, Phoenix, Shell at Flying V.
Samantala, magpapatupad naman ng 15 centavos na rollback sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene ang Shell, Flying V, SeaOil, Caltex, at Petron.
Epektibo ang pagbabago sa presyo ganap na alas-6:00 ng umaga para sa halos lahat ng kumpanya, maliban sa Flying V na nauna nang magpatupad kaninang hatinggabi.
Noong nakaraang linggo ay nagpatupad naman ng rollback ang mga kumpanya ng produktong petrolyo.
READ NEXT
Mga residente ng Marawi, nabunutan ng tinik sa pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute
MOST READ
LATEST STORIES