Mga residente ng Marawi, nabunutan ng tinik sa pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute

 

Inquirer file photo

Nagdiriwang ang mga residenteng naaapektuhan ng Marawi Siege nang matanggap ang balitang napatay na ng militar ang dalawa sa itinuturing na lider ng Maute group.

Marami sa mga residente ng Marawi ang tila nabunutan ng tinik nang malaman na nasawi na sina Isinilon Hapilon at Omar Maute sa opensiba ng militar nitong Lunes ng umaga.

Panalangin ng mga residente, tuluyan nang matuldukan ang kaguluhan sa Marawi upang makabalik na sa normal ang kanilang pamumuhay.

Todo naman ang pasasalamat ng residente ng Marawi at maging ang publiko sa ipinakitang katapangan at pagbubuwis ng buhay ng mga sundalo at pulis na nanguna sa pagtugis sa mga miyembro ng Maute group na pasimuno ng kaguluhan sa lungsod.

Sa limang buwang opensiba ng militar laban sa Maute group, libu-libong residente ng Marawi City ang labis na naapektuhan dahil sa halos maubos ang kanilang lungsod dahil sa pagkukuta ng Maute group at ang sumunod na opensiba ng militar laban sa mga ito.

 

 

Read more...