Pilipinas, maaring maging “zombie nation” dahil sa medical marijuana – Atienza

 

Naniniwala si Buhay Rep. Lito Atienza na dapat nang isantabi ang panukalang pagbibigay ng free access sa medical marijuana sa publiko.

Ayon kasi kay Atienza, posibleng maging “nation of zombies” na ang Pilipinas kapag naging bukas sa publiko ang pagbebenta ng marijuana.

Sa kaniyang pahayag, inilabas rin niya ang kaniyang pagkabahala na magiging “backdoor decriminalization” ito ng paggamit ng marijuana.

Giit niya, kung nais ng ibang mga bansa na sirain ang kanilang mga sarili dahil sa pagsasabatas ng medical marijuana, hayaan na lang aniya ang mga ito na gumawa ng sarili nilang mga problema.

Hindi naman aniya gugustuhin ng mga Pilipino na mauwi sa pagiging “nation of zombies” ang bansa dahil dito.

Dahil dito, mariin niyang sinabi na lalabanan niya ang nasabing panukala kapag umabot ito sa plenaryo na inaasahang mangyayari pagsapit ng Nobyembre.

Naninindigan pa rin ang mambabatas na hindi kailangan ng publiko ng access sa medical marijuana.

Read more...