Trabaho sa ilang sangay ng gobyerno at pribadong institusyon, tuloy pa rin ngayong araw

 

Bagaman sinuspinde na ng Malacañang ang klase ng mga pasok sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas at maging sa mga government offices, nag-anunsyo ang ilang sangay ng pamahalaan na mananatili pa rin silang bukas ngayong araw, October 17.

Ayon sa anunsyo ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Jr, mabubukas na ang financial markets ng Pilipinas ngayong araw.

Samantala, sa tweet naman ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, sa kabila ng suspensyon ng pasok sa mga government offices, itutuloy pa rin niya ang mga nakatakda nang kasalan mamaya.

Inanunsyo naman ng Lyceum of the Philippines University, Ateneo de Manila at Xavier Ateneo na bagaman walang pasok ang mga estudyante, magpapatuloy naman ang trabaho sa kanilang mga opisina ngayong araw.

Read more...