Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 940 kilometro sa silangang bahagi ng bayan ng Guiuan.
Dahil nasa loob na ng PAR, tatawagin na itong bagyong ‘Paolo’.
Taglay ng bagyong Paolo ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong nasa 95 kph.
Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyong west-northwest sa bilis na 11 kilometro kada oras.
Gayunman, ayon sa Pagasa, wala pang direktang epekto ang naturang bagyo sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES