Ito ay matapos bawiin ng Malakanyang ang nauna nitong anunsyo na nagsasabing may pasok na ang mga estudyante at mga kawani ng gobyerno ngayong, Martes.
Sa mensahe mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea, isinasaad na nagdesisyon ang pamahalaan na muling suspendihin ang klase sa lahat ng antas, pribado at pampubliko at maging ang pasok sa gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, sa gitna ng banta pa rin ng transport strike.
Ngayong araw, inaasahan ang pagpapatuloy ng ikalawang araw ng tigil-pasada ng mga transport groups na kaalyado ng grupong PISTON.
Kagabi, sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na hindi halos naramdaman ng publiko ang epekto ng unang araw ng transport strike.
Samantala, bukod sa anunsyo mula sa Malakanyang, nag-anunsyo na rin ang Korte Suprema ng kanselasyon ng trabaho para sa mga kawani ng lahat ng korte sa bansa.
Tuloy naman ang number coding ng MMDA para sa araw na ito.