Gayunman, ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, lumaban aniya ang mga ito kaya’t humantong sa madugong pagtatapos ang buhay ng mga terorista.
Ayon kay Año, naghahanda na sana ang dalawa at ilan pang mga kasamahan ng mga ito na tumakas mula sa Marawi City.
Bilang patunay, may apat na bangkang de motor na aniyang naghihihintay sa grupo upang itakas ang mga ito sa war zone.
Gayunman, bago pa man makatakas, nakatanggap na ng impormasyon ang mga sundalo sa kinaroroonan ng mga terorista kaya’t agad silang nagkasa ng operasyon laban sa mga ito.
Bukod kina Hapilon at Omar Maute, siyam pang miyembro ng teroristang grupo ang nasawi sa opensiba ng militar.
Kasunod ng pagkamatay ng dalawang lider, nagbanta si Año sa nalalabi pang mga miyembro ng Maute group na mauuwi rin sa madugong katapusan ang buhay ng mga ito kung hindi pa rin susuko sa lalong madaling panahon.