Malacañang: Tanggapan ng gobyerno at mga estudyante may pasok na bukas

Radyo Inquirer

Inanunsyo ng Malacañang na may pasok na bukas ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan pati na rin ang klase sa lahat ng antas sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar na base sa rekomenasyon ng iba’t ibang mga concerned agencies ay hindi nila nakikita na makaka-apekto pa sa mga pasahero ang ikalawang araw ng nationawide strike ng grupong Piston.

Kaninang tanghali ay sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada na kakaunti lamang sa hanay ng mga jeepney drivers ang nakiisa sa kilos-protesta.

Taliwas naman ito sa pahayag ni Piston President George San Mateo na naparalisa nila ang maraming ruta ng jeepney sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng Metro Manila.

Patuloy na ipinoprotesta ng grupo ang plano ng pamahalaan na modernisasyon ng mga pampasaherong jeepney sa bansa.

Read more...