Pagsasara ng 8 palengke sa Balintawak, tuloy na tuloy na ayon sa QC Government

balintawak market
Inquirer file photo

Isinisisi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga basura galing sa mga palengke sa Balintawak ang grabeng pagbaha na nararanasan sa ilang bahagi ng lungsod particular na sa bahagi ng Araneta Avenue.

Kaugnay nito, sinabi ni Bautista na tuloy na tuloy na ang pagsasara ng halos ay walong palengke sa Balintawak-EDSA dahil sa paglabag sa ilang mga batas na may kinalaman sa kalinisan, proper waste disposal at building code.

Kamakailan ay sama-samang nag-inspeksyon sa mga palengke ang mga opisyal at tauhan ng Quezon City government na kinabibilangan ng Market Development and Administration Department (MOAD), Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMB), Department of Public Order and Safety (DPOS), Department of Building Official at City Health Department.

Sa ginawang inspeksyon ay napatunayang diretso sa mga kanal ang mga basura bukod pa sa mga nabubulok nang gusali ng nasabing mga palengke partikular na ang kinalalagyan ng Cloverleaf Market.

Umaapela naman ng dayalogo kay Bautista ang samahan ng mga vendors sa Balintawak dahil tiyak daw na maaapektuhan ito ang kanilang kita.

Pero sa kanyang panig nanindigan si Bautista na dapat muna nilang ayusin ang kasalukuyang kalagayan ng mga palengke bago mag-isyu ng kinakailangan mga permits ang Quezon City Hall.

Read more...