Iloilo International Airport balik operasyon na

CAAP photo

Pasado alas-dos ng hapon ay binawi na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang notice to airmen at nagbalik na rin sa operasyon ang Iloilo International Airport.

Ito ay makaraang maalis sa gilid ng runway ang nag-overshoot A320 aircraft ng Cebu Pacific mula pa noong Biyernes ng gabi.

Inabot ng tatlong araw ang isinagawang pag-aalis ng eroplano makaraang lumubog sa putik ang mga gulong nito.

Dahil sa nasabing pangyayari ay maraming mga flights ang hindi natuloy sa loob ng tatlong araw ayon sa CAAP.

Kaagad namang nagpasalamat sa CAAP, Manila International Airport Auhority at lokal na pamahalaan ng Iloilo ang Cebu Pacific dahil sa pagtulong na mapadali ang paghila sa kanilang nabalahaw na eroplano.

Tiniyak rin ng nasabing airline company na bibigyan nila ng tulong ang mga naapektuhang pasahero.

Sa kanilang panig, sinabi ng CAAP na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon para alamin kung ano ang dahilan ng pag-overshoot ng eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Iloilo International Airport.

Read more...