Nabatid na kabilang sa mga nailigtas ay pawang mga babae at bata.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, hindi pa nila nakakausap ang mga nailigtas na bihag at wala silang naitatanong sa mga ito.
Sa ngayon aniya ay binigyan muna nila ng oras para makapagpahinga ang mga sibilyan.
Dahil dito, umabot na sa tatlumpu’t walong hostage ang nailigtas ng militar sa teroristang grupo ngayong buwan.
Hindi pa naman masabi ni Brawner kung ilan pang hostage ang hawak ng Maute group pero naniniwala sila na patuloy nang lumiliit ang lugar na pinagkukutaan ng mga terorista.
MOST READ
LATEST STORIES