Biyahe ng Pasig River Ferry, sinuspinde ng MMDA

Suspendido ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw, (Oct. 16, Monday).

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay dahil sa makapal na water lily sa Ilog Pasig.

Hindi umano kakayanin ng ferry na maglayag dahil sa dami ng nakaharang na water lily sa ruta nito.

Sinabi ng MMDA na muli na lang silang maglalabas ng abiso kung magre-resume pa ngayong araw ang River Ferry.

 

 

 

 

 

 

Read more...