Grupong KADAMAY, makikisawsaw sa tigil-pasada ng PISTON – LTFRB 

Nakatanggap ng impormasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may mga militanteng grupo na makikilahok sa tigil-pasada ng PISTON ngayong araw.

Partikular na tinukoy ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang grupong KADAMAY.

Malaking tulong ayon sa LTFRB ang pasya na kanselahin ang pasok sa mga paaralan at pasok sa gobyerno ngayong araw para hindi na maapektuhan ang maraming mamamayan.

Una nang sinabi ng LTFRB na ang dalawang araw na tigil-pasada ay bahagi ng destabilization plot laban sa pamahalaan.

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na bagaman inaasahan nilang maliit lang ang magiging epekto ng strike, may mga nakalatag na silang contingency plans para asistihan ang mga maaapektuhan.

Kuha ni Jomar Piquero

Kasama dito ang pagtatalaga ng mga bus mula sa LGUs, at iba pang sasakyan mula sa concerned government agencies gaya ng LTO, HPG, PNP, MMDA at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa abiso ng PISTON, sa Metro Manila ang labis na maaapektuhan ay ang Alabang, Monumento-LRT, Cubao, Novaliches at kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sa Caloocan, pitong sasakyan ang itinalaga ng lokal na pamahalaan para maghatid sa mga maaapektuhang pasahero.

Kabilang sa biyahe ng mga sasakyan na magbibigay ng libreng sakay ay ang mga sumusunod:

Sinuspinde na rin ng MMDA ang pag-iral ng number coding.

 

 

Read more...