Panibagong bagyo, nakatakdang pumasok ng bansa ngayong araw

Isang tropical depression na malapit na sa borderline ng Pilipinas ang binabantayan ng PAGASA.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,055 kilometers East ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ay papasok ng bansa ang bagyo at papangalanang Paolo.

Lalakas din ito at magiging isang tropical storm.

ITCZ naman ang naka-aapekto at magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Mindanao, Western Visayas at Palawan.

 

 

 

 

 

 

Read more...