Babae, natagpuang patay sa motel sa Maynila

 

Wala nang buhay ang isang 29-anyos na babae nang siya ay matagpuan sa motel sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District (MPD) Homicide Unit ang biktima na si Joan Echipare.

Nagtamo ng mga saksak sa katawan si Echipare na kaniyang ikinasawi.

Nadiskubre ang bangkay ni Echipare umaga nang Linggo.

Ayon sa roomboy, nag-check in doon si Echipare nang may kasamang tatlong kalalakihan.

Hinala naman ng mga imbestigador, pinatay ang biktima habang ito ay natutulog dahil hindi ito nakitaan ng anumang senyales na siya ay nanlaban.

Aminado naman ang mga pulis na mahihirapan sila sa pagtukoy sa mga suspek dahil walang CCTV ang nasabing motel.

Gayunman, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at napag-alaman din na isang piskal sa Maynila ang may-ari nito.

Read more...