Ang desisyon ay napagkasunduan ng 54 na miyembro ng Motion Picture Academy na siyang samahan ng mga malalaking movie production at pinagmulan ng Oscars.
Sa isang emergency session, nagdesisyon ang akademya na ilabas ang direktiba na nagpapatalsik sa lalong madaling panahon sa movie mogul na si Weinstein na nasasangkot sa serye ng sexual harassment cases mula sa maraming babaeng artista sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Amerika.
Giit ng Motion Picture Academy, walang puwang ang ‘sexually predatory bahavior’ sa industriya.
Noong nakaraang linggo, inalis rin bilang miyembro ng British Academy of Film and Television si Weinstein.
Noong nakaraang linggo, pumutok ang kontrobersiyang sexual harassment laban kay Weinstein noong 2015 ng isang Italian model.
Nang lumutang ang balita, sunud-sunod nang lumabas ang marami pang artistang biktima rin ng sexual harassment ng Oscar-winning producer.
Kabilang sa mga biktima umano nito ang mga aktres na sina Rose McGowan, Ashley Judd, Gwyneth Paltrow at Angelina Jolie at marami pang bia.