Ayon kay Finance Undersecretary Bayani Agabin, partikular nilang tututukan ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Aniya, ang Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ang nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga opisyal at empleyado ng kagawaran at ng mga ahensya sa ilalim nito.
Target ng RIPS na busisiin pa ang mga statements, assets, liabilities and net worth (SALNs) ng mga opisyal at empleyado.
Ito ay upang malaman nila kung ang pamumuhay ba ng mga ito ay naaayon sa kanilang kinikita o para malaman kung mayroong mga tagong yaman ang mga ito.
Maliban naman sa BOC at BIR, isasailalim din sa lifestyle check ang mga ansa Bureau of Local Government Finance, Securities and Exchange Commission, Insurance Commission at lahat ng mga treasurers.
Dahil sa nagpapatuloy at lalong pinagting na imbestigasyon, sinabi ni Agabin na mayroon nang ilang tauhan ang nakitaan ng inconsistencies sa kanilang SALN at napag-alamang mayroong mga hindi idineklarang ari-arian.
Paliwanag ni Agabin, naglunsad sila ng imbestigasyon dahil na rin sa mga tips na natatanggap ng RIPS at sa mga balita tungkol sa mga umano’y tagong yaman ng kanilang mga empleyado.
Sa ngayon ay mayroon nang limang opisyal na inirekomendang masibak matapos ang lifestyle check.
Sakaling makitaan nila ng sapat na ebidensya, maghahain sila ng kaso sa Office of the Ombudsman o sa Civil Service Commission laban sa mga tiwaling tauhan.