Trillanes, handang makulong at magbitiw kapag napatunayang mali sa paratang vs Duterte

Inquirer photo

Handang magpakulong at magbitiw si Senador Antonio Trillanes IV sa kaniyang posisyon kung lumabas na mali ang akusasyon sa umano’y tagong-yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging reaksyon ng senador sa naging patutsada ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kaniya pati sa ilang kapwa-senador na sina Senators Francis Pangilinan at Risa Hontiveros at Tindig Pilipinas.

Sagot ni Trillanes, kung walang tinatago, bakit hindi makapirma si Pangulong Rodrigo Duterte sa bank secrecy waiver.

Ayon kasi sa senador, may itinatagong P2 billion si Duterte sa kaniyang bank accounts.

Samantala, matatandaang naglabas ng signature campaign ang Tindig Pilipinas kung saan hinihikayat si Duterte na pumirma sa bank secrecy waiver.

Ito lang aniya ang paraan para malinis ni Punong Ehekutibo ang kaniyang pangalan sa naturang akusasyon.

Read more...