Mga namatay dahil sa pagsabog sa Somalia, umakyat pa sa 53

AP Photo

Tumaas pa sa 53 ang bilang ng mga namamatay dahil sa pagsabog ng isang bomba sa Mogadishu sa bansang Somalia.

Ito ay dahil nahihirapan na ang mga ospital na gamutin ang maraming bilang ng mga taong nasugatan dahil sa pagsabog. Sa huling tala, mahigit 60 pa ang mga sugatan.

Hindi pa makapaglabas ng pinal na bilang ng mga namamatay ang pamahalaan ng Somalia dahil sa patuloy na pagtaas nito.

Matatandaang isang truck bomb ang sumabog malapit saentrance ng isang hotel sa naturang lungsod at isa pang pagsabog ang naganap naman sa Madina District.

Nagdeklara si Somalian President Mohamed Abdhullahi ng tatlong araw ng pagluluksa matapos ang insidente. Hinimok rin ni Abdhullahi ang mga kapwa Somalian na mag-donate ng dugo para sa mga sugatan.

Ang al-Qaida-ling al-Shabab na isang grupo ng extremists ang hinihinalang nasa likod ng pag-atake na itinuturing na ngayong national distster. Ngunit sa ngayon ay hindi pa ito inaako o inaamin ng naturang grupo.

Read more...