MMDA, sinuspinde na ang number coding sa Metro Manila para bukas

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido na ang number coding scheme sa buong Metro Manila para bukas, October 16.

Ang naturang abiso ay inilabas ng MMDA ilang oras matapos nilang unang ianunsyo na mananatili ang number coding scheme bagaman kanselado na ang pasok sa mga paaralan at mga opisina ng gobyerno dahil sa tigil pasadang isasagawa ng grupong PISTON.

Bago pa man ilabas ng MMDA ang naturang abiso, nauna namang maglabas ng anunsyo ang lokal na pamahalaan ng Makati na para sa naturang lungsod ay kanselado na ang number coding para mabigyan ng opsyon ang mga pasahero sa kanilang pagbiyahe.

Read more...