Clearing operations ng BSP, suspendido bukas

Inquirer photo

Suspendido na rin ang clearing operations ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bukas.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng BSP na ito ay kasunod ng suspensyon ng tanggapan ng gobyerno dahil sa malawakang 2-day transport strike sa buong bansa simula Lunes hanggang Martes.

Sakop ng clearing operations ng BSP ang pagpoproseso ng mga lalabas at papasok na tseke sa mga bangko.

Samantala, kabilang sa mga grupong suportado ang protesta ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang Kadamay, Migrante, Legue of Filipino Students, at Kilusang Mayo Uno.

Read more...