MMDA, magkakaroon ng libreng-sakay para sa transport strike bukas

Magkakaroon ng libreng-sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektuhan ng pangungunahang tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) bukas, October 16, 2017.

Ayon sa MMDA, hindi bababa sa anim ang itatalagang pick up points simula Lunes ng umaga:

Samantala, magdadagdag din ang ilang bus line companies ng bus units para maiwasang mastranded ang ilang commuters.

Ayon kay MMDA supervising officer for operations Bong Nebrija, malaking tulong ang libreng-sakay at karagdagang bus units para matugunan ang inaasahang kakulangan ng transportasyon.

Hinikayat din ni Nebrika ang mga jeepney drivers na huwag pilitin ang mga drayber na hindi gustong makiisa sa transport strike.

Inaasahan naman ang gagawing protesta ng Piston hanggang sa araw ng Martes, October 17, 2016.

Read more...