30 mangingisda, nasagip matapos tumaob ang bangka sa Basilan

Google map

Narescue ang 20 mangingisda, kasama ang isang labing-dalawang taong gulang na lalaki, matapos tumaob ang sakay na bangka sa bahagi ng Basilan Strait, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Philippine Coast Guard Zamboanga District Lt. Commander Alvin Dagalea, tumaob ang FB SM nang bumangga sa malalaking alon at malakas na hangin sa intertropical convergence zone.

Matapos matanggap ang ulat, agad pinadala ang BRP Capones 4404 para sa rescue mission.

Aniya, nasagip ang 30 katao na sakay ng naturang bangka tatlong oras matapos ang insidente.

Read more...