Sa isang press briefing, sinabi ni Colonel Romeo Brawner, deputy commander of the Joint Task Group Ranao na naniniwalang nasa main battlle grounds pa ang dalawa.
Nabanggit naman ng Armed Forces of the Philippines na napatay na sa bakbakan ang iba pang Maute brothers na sina Abdullah, Madi at Otto.
Samantala, base sa pinakabagong tala ng militar, nasa 162 ang bilang ng nasawing militar habang mahigit 1,700 naman sa panig ng mga terorista.
Aabot naman sa 40 na miyembro ng Maute ang kasalukuyang umookupa sa dalawang ektaryang battle area sa lugar.