Tatlo, sugatan sa sunog sa Malabon

Sugatan ang tatlong katao matapos sumiklab ang sunog sa Lapu-Lapu Avenue, Barangay Longos sa lungsod ng Malabon.

Sugatan sina Arlene Hepilano, Lorita Bugacia, at Argel Pilar na pawang mga may-ari at tauhan ng isang pagawaan ng lobo at tindahan ng party needs.

Ayon sa imbestigasyon, sa naturang tindahan ng party needs nagsimula ang sunog.

Pagkukwento ni Pilar, sumingaw ang tangke ng hydrogen gas na ginagamit nila sa paggawa ng mga lobo. Umabot ang pagsingaw ng hydrogen gas sa nakabukas na kalan, dahilang upang magsimula ang sunog na tumupok sa lima pang mga kabahayan.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at tuluyan itong naapula bandang alas dose ng tanghali.

Ayon sa hepe ng operations section ng Malabon City Fire Station na si Fire Inspector Efren Calumag, nasa P100,000 ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na nasunog, habang apektado naman ang walong pamilya.

Read more...