Kanselado ang ilang biyahe ng Philippine Airline at Cebu Pacific ngayong araw.
Base sa abiso ng PAL, kanselado ang PR352/353 biyaheng Manila-Macau-Manila bunsod ng sama ng panahon na dulot ng Typhoon Khanun.
Samantala, sa abiso naman ng Cebu Pacific, kanselado ang mga sumusunod na flights dahil sa pagsasaayos ng Iloilo Airport runway:
Flight Route ETD ETA
- 5J 164 Cebu-Iloilo 535pm 620pm
- 5J 462 Iloilo-Manila 650pm 800pm
- 5J 461 Manila-Iloilo 835pm 950pm
Dahil dito, magkakaroon ng re-route flight ang mga apektadong pasahero sa mga sumusunod:
Flight Route ETD ETA
- 5J 212 Cebu-Roxas 535pm 620pm
- 5J 359 Manila-Roxas 715pm 825pm
- 5J 360 Roxas-Manila 855pm 1005pm
- 5J 368 Roxas-Manila 800pm 910pm
Sinabi naman ng Cebu Pac na magbibigay sila ng libreng land transfers sa lahat ng apektadong pasahero sa pagitan ng Iloilo at Roxas at libreng round-trip travel voucher sa kahit anong domestic Cebu Pacific destination.
Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay ng abiso ng CEB Customer Care agents sa mga pasahero para ipaalam ang bagong iskedyul ng kanilang biyahe.
Pinaalalahanan rin ang mga pasahero ng PAL at Cebu Pacific na maaaring mag-rebook sa susunod na available flight o mag-refund ng ticket sa kanilang tanggapan.