Publiko, inabisuhan sa bagong iskedyul ng passport appointments sa DFA

Photo courtesy: DFA

Pinaalalahanan ang publiko ng Department of Foreign Affairs Office of Consular Affairs (DFA-OCA) kaugnay sa pagsasara ng opisina bukas, October 16, bunsod ng ikakasang malawakang transport strike sa bansa.

Sa abiso ng DFA, maaaring ma-accommodate ang mga aplikanteng may confirmed appointments bukas sa anumang araw hanggang October 30, 2017.

Hindi na rin anila kinakailangang magpa-iskedyul ng bagong appointment ang mga aplikante at maaaring dumeretso na sa orihinal na opisina ng confirmed appointment.

Paalala ng ahensiya, iprisinta ang printout ng confirmed passport appointment kasama ang iba pang requirements sa opisina.

Read more...