Davao Occidental, niyanig ng lindol

Photo courtesy: Phivolcs

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Davao Occidental.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa 120 kilometers East ng lalawigan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang lindol na 122 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, walang naitalang pinsala sa lalawigan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...