Trabaho sa lahat ng korte sa bansa, suspendido bukas

Sinuspinde na din ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang trabaho sa lahat ng korte sa buong bansa bukas, October 16, 2017.

Sa abiso ng punong mahistrado, ito ay bunsod ng ikatlong malawakang transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa bansa simula bukas hanggang Martes.

Ayon sa Piston, dapat labanan ang jeepney modernization program ng Department of Transportation dahil magreresulta ito ng jeepney phaseout.

Samantala, ang naturang suspensyon sa SC ay kasunod ng naunang suspensyon ng Palasyo sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at mga klase sa pampubliko at pribadong paaralan.

Read more...