LTFRB, nakahanda na para sa ikakasang transport strike bukas

Nakahanda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa nakaambang tigil-pasada ng ilang transport groups bukas, October 16, 2017.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, magkakaroon ng libreng-sakay ang gobyerno para sa mga maaapektuhang pasahero.

Aniya, may minimal fare ito na P10 sa non-airconditioned buses habang P12 naman para sa mga airconditioned bus.

Tiniyak din ng opisyal na tututukan ng ahensiya ang iba’t ibang lugar para maihanda ang mga libreng-sakay at ma-stranded ang mga pasahero sa kalsada.

Samantala, paalala naman ni Lizada sa mga makikiisa sa transport strike, huwag harangin ang ibang jeepney drivers na nais pumasada.

Huwag din aniyang idaan sa dahas ang pagpigil sa mga kasamahang drayber at sa halip ay bigyan ng pagkakataong magserbisyo sa publiko.

Ito na ang ikatlong malawakang transport strike na ikinasa sa bansa.

Read more...