Nakilala ang biktima na si Leah Mangao, 19 anyos at nag-iisang nawawala matapos marescue agad ang walong iba pang pasahero.
Ayon sa mga imbestigador ng San Jose Police, sakay ng bangka si Mangao at ang walong iba pa na papunta sanang Sitio Lamis mula sa Barangay San Agustin.
Isang malakas na alon ang sumira sa “Katig” ng bangka, o ang bamboo balancer kaya ito lumubog.
Matapos ang pakikipag-ugnayan ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer (MDRRMO) Engineer Gil Gendrano sa pulisya, Philippine Coast Guard at San Juan MPS, agad na sinimulan ang search and rescue operations.
Ang lahat ng pasahero ay pawang mga residente ng Sitio Lamis.