Nakilala ang Amerikano na si Joseph Martin McMillan, 31-anyos at anim na buwan na anyang nasa bansa.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit, nasa loob ng sinehan ang babae katabi ang kanyang asawa at katabi rin ang suspek sa kabilang upuan ng hawakan nito ang kanyang hita.
Nagpalitan ng upuan ang mag-asawa ngunit isang komosyon ang nagsimula matapos utusan ng asawang lalaki si McMillan na alisin nito ang braso sa kanyang chair.
Ayon sa mag-asawa, imbes na alisin ang kanyang braso ay sinuntok nito ang asawang lalaki.
Dinala si McMillan sa QCPD Station 2 at inilipat sa QCPD headquartes sa Camp Caringal.
Itinanggi naman ng Amerikano ang alegasyon na minolestiya niya ang babae at iginiit na hindi siya nakainom nang mangyari ang insidente.