Inutusan na ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino ang mga tauhan nito na gumamit ng mga body camera sa mga anti-illegal drug operations.
Magiging standard operating procedure ang paggamit ng nasabing uri ng electronic gadget sa lahat ng kanilang mga operasyon kontra droga.
Ayon kay Director Derrick Carreon, hepe ng PDEA Public Information Office, layun ng direktiba na maiwasan na ma-kuwestiyun ang integridad ng kanilang mga operasyon.
Katunayan, nagamit na nila ang mga body cameara sa ginawa nilang operasyon sa bahay ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto “Jun” Lopez noong nakaraang linggo.
Sa ganito aniyang paraan, makikita kung maayos ang ginawang operasyon ng kanilang mga ahente pati ang mga insidente ng mga nanlalaban na mga suspek.
Sa ngayon aniya ay mayroon silang 48 na body camera na donasyon ng Philippine Chamber of Commerce and Industry bukod pa sa ilan na nasa kanilang imbentaryo.