Ginawa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pahayag sa harap ng paninira ng grupong Amnesty International sa PDEA na inatasan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ahensya na magsasagawa ng mga anti-illegal drug operations.
Ayon kay abella, pagkatapos ng Philippine National Police, PDEA naman ngayon ang pinupuntirya ng galit at paninira ng grupo.
Sa kabila aniya nito, tuloy ang pamahalaan sa kampanya nito para sa crime, corruption and illegal drug free nation.
Umaasa din aniya ang Malakanyang na hindi makakahadlang sa trabaho ng PDEA ang pakiki-alam ng ilang dayuhang ahensya na hindi nauunawaan ang misyon ng pamahalaang Pilipinas.