Ginagawa ng Civil Aviation Authorities of the the Philippines at ng Cebu Pacific ang lahat ng paraan upang tuluyang matanggal ang eroplano na nag-overshoot sa runway at magamit na ang Iloilo international airport.
Kaugnay nito, sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na naglabas ng NOTAM o Notice to Airmen na nagsasaad na sarado muna ang operasyon ng paliparan ngayong araw.
Ayon kay Apolonio, mananatiling sarado ang Iloilo Airport hanggang mamayang alas sais ng gabi dahil sa sumadsad na eroplano ng Cebu Pacific kagabi
Humihingi rin daw ng paumanhin ang pamunuan ng nasabing airline company sa pagkaantala ng kanilang mga byahe.
Sa kabuuan 12 flights ng cebu pacific ang kanselado dahil sa insidente, habang apekado rin ang anim na flights ng PAL Express.