Paubos na ang mga bala at bomba na ginagamit ng Maute group laban sa mga tauhan ng militar.
Sinabi ni Task Group Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na bukod sa mga liquefied petroleum gas tanks ay gumagamit na rin ang mga terorista ng mga pumalyang bala ng mortar ng mga sundalo.
Ang nasabing mga unexploded ordnance ay ginagawa nila bilang mga Improvised Explosive Devices (IEDs).
Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philippines ay aabot na sa halos ay 1,000 ang patay na hanay ng mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group.
Nasa 80 mga bahay at gusali na lang ang kinakailangang ma-clear ng AFP at halos nasa loob na lamang ng tatlong ektaryang bahagi ng Marawi City ang nagaganap na labanan sa kasalukuyan.
Sinabi ni Brawner na nakaligtas sa mga sumabog na bomba ang kanilan mga kalaban dahil nakagawa ang mga ito ng underground na kanilang pinagtataguan.