P40-M na pondo para sa mga Yolanda victims, ibibigay sa mga bakwit sa Marawi

Aabot sa P40 milyong pondo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ini-realign para sa pangkabuhayan ng mga bakwit sa Marawi City.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na galing ang pera sa natirang pondo sa Yolanda rehabiliation.

Ayon kay Lopez, aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing realignment.

Bukod sa entrepreneurship training namahagi ang DTI ang mga makinang pantahi dahil karamihan sa mga Maranao ay nasa industriya ng garments making.

Aabot na aniya sa 140 na sewing machine ang naipamahagi na sa mga evacuees sa Marawi at hinanapan na rin aniya ng DTI ng merkado ang kanilang mga produkto.

Samantala, sa pinakahuling talaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot na sa 813 na terorista ang napapatay, 160 sundalo ang nalagas at 47 sibilyan ang nasawi sa nagpapatuloyn na giyera sa Marawi sa pagitan ng teroristang Maute at tropa ng militar.

Read more...