Pangulong Duterte, nagbantang magdedeklara ng isang “Revolutionary Government”

Sakaling masadlak sa kaguluhan ang pamahalaan at ipagpatuloy ang destabilization moves ng mga kalaban, hindi magdadalawang-isip na magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang “Revolutionary Government”.

Ito ang matapang na babala ng presidente laban sa mga komunista at mga nasa oposisyon sakaling ipagpatuloy nito ang mga pagkilos na sirain ang gobyerno.

Inaakusahan ni Duterte ang Communist Party of the Philippines na siyang numero unong salarin sa destabilization efforts.

Sakali anyang matupad ang balak ng mga pwersang ito, agad niyang idedeklara ang revolutionary government at ipaaaresto ang lahat ng mga political dissidents.

Nakikita umano ng Pangulo na isang practical move ang revolutionary government dahil sa pamamagitan nito hindi na kailangan ng pangulo na mag-ulat pa sa Kongreso.

Gayunpaman, kampante anya si Duterte na hindi magiging matagumpay ang mga pagkilos laban sa gobyerno.

Ani Duterte, kakampi niya ang militar at ang pulisya at hindi makikisimpatya ang mga ito sa mga pula at dilaw.

Read more...