PNP, binilinan ni Duterte na huwag makialam sa drug ops ng PDEA

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na lubayan ang anumang anti-drug operation na kanilang madadatnan at tuluyan na itong ipaubaya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa pangulo, maging siya mismo ay hindi na rin makikialam sa mga anti-drug operations.

“I will not anymore interfere. Di hugas kamay. Ayaw ko talaga, di ako naghugas, ayaw ko na,” ani Duterte.

“You know why? Because that is what you want, you are blaming the government for almost everything,” katwiran ng pangulo.

Ito ang naging tugon ni Duterte sa lhat ng mga bumabatikos sa war on drugs ng pamahalaan.

Ani Duterte, kung makita ng mga pulis na may naghahabulan at malaman nilang may kaugnayan ito sa droga, lisanin na lang nila ang lugar.

Kapag naman aniya may namatay sa operasyon, ang mga pari at ang PDEA ang dapat na puntahan ng mga tao.

“If there are drug operations, I told police do not interfere. If you see a chase and they say it’s drugs, you leave. Let them be. So if somebody dies, the priests, you go to PDEA,” giit ng pangulo.

Nang tanungin naman si Duterte kung sa tingin niya ay kakayanin ng PDEA na supilin ang mga sindikato ng droga nang mag-isa, sinabi niyang dapat ang mga human rights advocates ang tumulong sa ahensya.

Dagdag pa ni Duterte, ginawa lang niya ito dahil ito ang gusto ng mga tao kahit pa alam niya na may mga “grave consequences” ito.

Read more...