Cardinal Vidal, nagising na mula sa pagkaka-comatose

Inquirer File Photo

Matapos dalhin sa ospital si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal at macomatose, tila isang milagro naman ang kanyang paggising ayon sa kanyang mga doctor.

Oktubre 11 nang dalhin si Vidal sa Perpetual Succour Hospital dahil sa mataas na lagnat at paghihirap sa paghinga at nacomatose ilang oras lang ang nakalilipas.

Gayunpaman, nilinaw ng mga doktor na hindi cardiac arrest ang naranasan ng Cardinal kundi “sepsis” hindi tulad ng mga unang napaulat.

Ang “sepsis” ay nagreresulta sa isang massive immune response dahil sa bacterial infection na kumalat na sa dugo.

Sa ngayon, normal na ang vital signs at heart condition ni Vidal ayon kay Dr. Rene Josef Bullecer, isa sa mga attending physician ng Cardinal at malapit rin nitong kaibigan.

Bumalik na rin ang sense of pain ng Cardinal at nagpapakita ng magandang mga senyales ng pagkakarekober.

Gayunpaman, nananatili pa rin sa 50-50 ang kanyang kondisyon at mahigpit na binabantayan ng kanyang mga doktor.

Read more...