Bagyong “Odette,” nasa West Philippine Sea na

Napanatili ng bagyong “Odette” ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon papalabas ng bansa.

Base sa 11:00pm weather bulletin ng PAGASA, may taglay na lakas ng hangin ang bagyong “Odette” na aabot sa 90 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugso na 113 kilometers per hour.

Huli itong namataan sa 260 kilometers sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at nasa ibabaw na ng West Philippine Sea.

Inaasahan namang kikilos ito patungo sa direksyong West Northwest sa bilis na 12 kilometers per hour.

Sa ngayon ay tanging Ilocos Sur, La Union at Pangasinan na lamang ang nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal no. 1.

Makakaranas pa rin ng paminsan-minsang malakas na ulan ang Metro Manila, CALABARZON at mga lalawigan sa mindoro.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Odette” bukas ng umaga.

Read more...