Bayan ng Allacapan sa Cagayan isinailalim na sa state of calamity

FB Photo | Cagayan PIO

Dahil sa pagbaha na dulot ng pananalasa ng bagyong Odette, isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Allcapan sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Allacapan Mayor Harry Florida, idineklara ang state of camality sa bayan dahil halos lahat ng 27 barangay nila ay nalubog sa baha.

Sa ngayon, anim na barangay ang isolated makaraang umapaw ang Linao River kabilang ang mga barangay Capanickian Sur, Pacac, Dalayap, Tamboli, San Juan at Tubel.

Tatlong pang tulay sa nasabing bayan ang lubog sa tubig baha at hindi na madaanan.

Ani Florida, 50 percent sa kabuuang 9,680 ektaryang palayan na malapit nang anihin ang nalubog sa baha.

Matapos ang deklarasyon, gagamitin ng lokal na pamahalaan ang P2-milyon calamity fund para matulungan ang mga apektadong residente.

Samantala, sa ulat ng Office of the Civil Defense Region 2, sa bayan ng Claveria mayroon ding mga bahay na piansok ng tubig baha sa Barangay Cenro.

Sa bayan naman ng Baggao, nakapagtalang landslide sa Sitio Tueg, Barangay Bitag Grande.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...