Ito ay para maiwasang maabala sa biyahe ang mga estudyante sakaling marami sa mga pampasaherong jeep ang lalahok sa nationwide na tigil-pasada.
Narito ang mga lugar na nag-suspinde na ng klase para sa Lunes:
ALL LEVELS
- Davao City
- Makati City
- San Mateo Rizal
- Rodriguez, Rizal
PRE-SCHOOL TO SENIOR HIGH SCHOOL
- San Fernando City, Pampanga
INDIVIDUAL SUSPENSION
- National Teachers College
Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte magdedeploy ang lokal na pamahalaan ng mga bus ay aasiste sa mga maaapektuhang pasahero.
Dagdag ni Duterte, mainam na samantalahin ang tigil-pasada upang mag-obserba sa mga lansangan na may kakaunting pampasaherong jeepney at mas maraming bumibiyaheng bus, na target ng High Priority Bus system project para sa mga Dabawenyo.
Samantala, nagbabala si Mayor Inday na ang anumang krimen sa kasagsagan ng transport strike ay hindi palalagpasin.
Marapat din aniya na magpatupad ng self-restraint ang mga sasali sa protesta.
Sa Lunes at Martes (October 17) ang tigil-pasada ng PISTON, na layong kontrahin ang jeepney phaseout at modernization program ng pamahalaan.