Comelec maglalagay ng special polling precincts para sa mga PWDs at mga senior citizens

PWD
File Photo/CDN

Maglalagay ng special polling precincts ang Commission on Elections (Comelec) para mas madali ang pagboto ng mga may kapansanan at mga senior citizens.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Comelec Commissioner Luie Tito Ferrer, sinabi nitong layunin na maging inclusive ang proseso ng eleksyon sa bansa at makapagparehistro at mapaboto ang lahat ng kwalipikadong botante sa bansa.

“Traditionally may mga sektor ng ating lipunan na hindi po talaga naabot ng electoral process, o kaya ay hirap silang i-exercise ang kanilang electoral rights gaya ng mga PWDs at senior citizens,” ayon kay Guia

Sinabi ni Guia na sa kanilang pagpaparehistro, ang mga PWDs at senior citizens ay bibigyang pagkakataon na magpasya kung nais nilang bumuto sa special polling precincts na itinalaga para sa kanila o manatili sa kanilang kasalukuyang mga polling precincts.

Ang accessible polling place para sa mga nakatatandan at may kapansanan ay ilalagay sa mga paaralan na pinakamadaling puntahan.

Tiniyak naman ni Guia na ang mga senior citizens at mga PWDs na pipiliing manatili sa dati nilang mga presinto ay bibigyan pa rin naman ng priority lane at tutulungan ng mga Board of Election Inspectors (BEIs).

Read more...