Bagyong Odette, lumakas pa isa nang severe tropical storm

Lumakas pa ang bagyong Odette at ngayon ay isa nang severe tropical storm.

Patungo na sa West Philippine Sea ang bagyo na huling namataan sa 205 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 113 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes at Babuyan group of Islands.

Habang wala naman nang lugar na nakasailalim sa signal number 2.

 

 

 

 

Read more...