Walang pang-aabuso sa war on drugs ng PDEA ayon kay Director Aaron Aquino

Nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang pang-aabuso sa karapatang pantao at walang extrajudicial killings (EJKs) na magaganap sa gyera kontra droga matapos ipasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Siniguro ni PDEA Director General Aaron Aquino na mahigpit nilang ipatutupad ang mga patakaran sa mga operasyon kontra iligal na droga.

Aniya, wala naman talagang pang-aabuso sa ilalim ng ahensya, ngunit nais lamang niyang tiyakin sa publiko sa gitna ng mga alegasyong paglabag sa karapatang pantao sa gyera kontra droga.

Sinabi ni Aquino na gagawin din mandato sa mga ahente ng PDEA ang pagsusuot ng body cameras para tiyaking lehitimo ang mga operasyon.

Pinaanyayahan din ng PDEA ang mga mamamahayag na sumama sa mga operasyon para madokumento ang lahat ng pangyayari.

Samantala, naniniwala si Aquino na ang 28 suspek ng droga na napatay sa mga operasyon ng PDEA simula noong July 2016 ay resulta ng mga lehitimong operasyon. Aabot naman sa 11 tauhan ng ahensya ang nasawi sa mga ito.

 

 

 

Read more...