Naka-confine sa Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa intensive care unit (ICU) sa isang pribadong ospital sa Cebu City makaraang atakihin sa puso.
Ayon kay kay Fr. Joseph de Aquino, ang secretary ni Vidal, may mga isinagawang medical tests kay Vidal mula nang isugod ito sa Perpetual Succour Hospital noong October 11 ng hapon.
Maayos naman umano ang kondisyon ng cardinal noong Miyerkules ng umaga nang bigla na lamang itong mag-collapse nung hapon.
Agad namang nagsagawa ng Sacrament of Extreme Unction si Cebu Archbishop Jose Palma kay Vidal. Ang nasabing sakramento ay ibinibigay sa mga may sakit.
Ayon Dr. Rene Josef Bullecer, isa sa mga duktor ni Vidal, comatose ang cardinal pero nagpakita naman ito ng positibong senyales nang imulat ang kanilang mata Biyernes ng umaga.
Ang 82 anyos na si Cardinal Vidal ang most senior cardinal ng Simbahang Katolika.