Warden ng Metro Manila District Jail, sinibak ng BJMP

BJMP Photo

Sinibak sa pwesto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang jail warden ng Metro Manila District Jail na si Superintendent Gemelo Taol matapos na may masabat na mga kontrabando sa isagawang Oplan Greyhound sa bilangguan.

Ayon kay Jail Chief Superintendent Deogracias Tapayan, acting chief ng BJMP, sa isinagawang operasyon, may mga nakitang shabu sa na itinago sa lagayan ng asin, drug paraphernalia at mga deadly weapon mula sa mga preso.

May mga nasabat din na 40 piraso ng cellphones, 62 sim cards, 9 na USB devices, 71 pakete at 239 na sticks ng sigarilyo, 409 na sticks ng tobacco na ibinalot lang sa papel, at cash na nagkakahalaga ng P88,220.

Ang isinagawang Oplan Greyhound sa MMDJ ay bahagi ng “Oplan Linis Piitan” ng BJMP sa 475 na district, city at municipal jails sa buong bansa.

Sinabi ni Tapayan na kasunod ng mga isinasagawang operasyon sa mga bilangguan ay ang pagpapanagot sa mga opisyal at tauhan nilang nagpapabaya.

Samantala, sa susunod na taon, sinabi ng BJMP na magdaragdag sila ng 1,000 tauhan para mas mapaigting pa ang pagsasagawa ng operasyon sa mga kulungan.

 

 

 

 

 

Read more...